mag-aral habang may pagkakataon.
alamin kung alin ang mga bagay na importante at doon ituon ang pansin.
masarap mabuhay.
masayang kumita ng pera sa matinong paraan at gamitin ito ng wasto.
hindi ninyo kailangang magmadali.
at laging tandaan na minsan, sa isang desisyon lang, magbabago ang buong buhay nyo, mapapabuti nang tuluyan o mapapasama.
lahat ng ginagawa nyo ngayon ang magiging batayan ng inyong kinabukasan.
huwag sayangin ang oras sa pagrerebelde dahil sa huli, kayo din ang talo.
makakasakit kayo ng mga taong mahal ninyo at nagmamahal sa inyo, at siguradong pati kayo ay masasaktan din.
hindi lang yun, pag minsan, may pagkakataon na pati mga inosenteng tao ay masasaktan...ng sobra dahil sa inyong pagpapabaya.
walang ibang mas mabuting paraan upang makaganti sa lahat ng sama ng loob na nararanasan ninyo ngayon kundi ang maging matagumpay sa kahit anong larangan.
at kapag nagawa ninyo iyon, mas madaling magpatawad.
kapag naranasan na ninyong magpatawad, makakahinga ka ng maluwang.
sa halip na galit ang maramdaman ay makukuha pa ninyong magpasalamat dahil naging mas mabuting tao kayo, at nasa mas mabuting kinalalagyan.
hindi ninyo kailangan ang kahit sino kung ipapahamak lang naman kayo.
huwag ninyong iisipin na mag-isa kayo sa mundo at walang nagmamahal sa inyo at hindi nyo mahahanap ang pagmamahal.
huwag ninyong limitahan ang sarili ninyo sa uri ng taong maaring tumanggap at magmahal sa inyo.
totoong maraming mapanghusga sa mundo ngunit hindi ninyo kailangang magpatalo.
bumangon.
tumayo.
huwag matakot na magkamali.
ang mahalaga, sa bawat pagkakamali ay matuto kayo at magsumikap magbago.
walang taong puwedeng magbigay sa inyo ng buhay na gusto ninyo kundi kayo.
kailangan ninyong magdesisyon.
araw-araw.
mahalin ang sarili at maniwala na ang mundo ay puno ng posibilidad.
kayo lang ang maaring pumigil sa sarili ninyo.
huwag ninyong hayaan na maging bahagi na lamang kayo ng istatistika sa bansa.
tumulong.
magkaroon ng silbi sa lipunan.
alalahanin na hindi masama ang magsaya.
ngunit gawin ito ng tama.
palaging gawing abala ang sarili sa paggawa ng tama.
kung magkamali man, bumawi agad.
higit sa lahat, huwag ninyong kalimutang mangarap.
libre lang.
walang bayad.
huwag din ninyong kalimutang gumising at gumawa ng hakbang upang maging katotohanan ang inyong pangarap.
sa lahat ng ito, may Diyos na tutulong sa iyo.
huwag mawalan ng pag-asa.
MASARAP MABUHAY NG MATIWASAY.
Dedicated to my beloved cousin, Neil John Serrano who died due to a machete hacking incident, a gang-related war, a war he is not a part of. A case of mistaken identity. One valuable life lost because of some youth who do not realize the value of their lives, and in this case...of others. If this post would somehow make its way to one adolescent and make him rethink his decisions in life, his death would not be wasted.
![]() |
"...and God shall wipe away all tears from their eyes." Rev. 7:17 |
It's a very nice letter. I hope every youth could read this and reflect. Thanks for this post... The verse you put at the last part is very comforting ("...and God shall wipe away all tears from their eyes." Rev. 7:17) .God bless you !
ReplyDelete